Bilang tugon sa pag-aproba kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa isang "arms sale bill" na nagkakahalaga ng 500 milyong dolyares, sinabi Miyerkules, Abril 24, 2019, ni Tagapagsalita Ma Xiaoguang ng Tanggapan ng Konseho sa mga Suliranin ng Taiwan, na nagpahayag na ang Ministring Panlabas ng solemnang paninindigan ng Tsina tungkol dito.
Ipinagdiinan niya na ang isyu ng Taiwan ay may kaugnayan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Tinututulan aniya ng Tsina ang pagbenta ng mga sandata sa Taiwan, at pagsasagawa ng Amerika ng pakikipag-ugnayang militar sa Taiwan sa anumang porma. Palagian at malinaw ang paninindigang ito, dagdag niya.
Salin: Li Feng