Bilang bahagi ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-25 ng Abril 2019, sa Beijing ang thematic forum hinggil sa pagkokoordinahan sa mga patakaran.
Sinabi sa porum ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ang pagkokoordinahan sa mga patakaran ay hakbangin ng institusyonalisasyon ng kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI). Makakatulong ito aniya sa komprehensibong pagpaplano ng iba't ibang bansa ng kooperasyon, at pagtatakda ng mga konkretong proyektong pangkooperasyon. Pasusulungin ng Tsina ang pagkokoordinahan sa mga patakaran sa iba't ibang paraan, dagdag niya.
Sa porum na ito, nilagdaan naman ng Tsina at ilang bansa at organisasyong pandaigdig ang mga dokumentong pangkooperasyon hinggil sa pagpapasulong ng BRI, kooperasyon sa production capacity, paggagalugad sa pamilihan ng ikatlong panig, at iba pa.
Salin: Liu Kai