Isinumite kamakailan ng Advisory Council ng Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation sa Komisyong Preparatoryo ang bunga ng pag-aaral at mungkahi tungkol sa Belt and Road Initiative (BRI). Isinapubliko ang nasabing ulat sa opisyal na website ng "Belt and Road" at Ikalawang BRF for International Cooperation.
Ini-analisa at pinag-aralan ng ulat ang positibong papel ng "Belt and Road" sa mga aspektong gaya ng pagpapabuti ng konektibidad, pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at pagsasakatuparan ng agenda ng sustenableng pag-unlad sa taong 2030. Bukod dito, tinalakay ng ulat ang tungkol sa pangunahing larangan at direksyon ng pag-unlad ng BRI sa hinaharap. Iniharap din nito ang mga mungkahi hinggil sa pagkatig sa multilateralismo, pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, pagpapalakas ng konektibidad, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon, paglikha ng tatak ng "Belt and Road," at pagpapalakas ng konstruksyon ng mekanismo ng BRI.
Salin: Li Feng