Kinatagpo nitong Lunes, Abril 22, sa Beijing ni Huang Kunming, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina ang mga kinatawan ng iba't ibang media organization na lumahok sa Belt and Road Innovation Forum on 5G+4K Communication. Hinimok ni Huan ang media na patingkarin ang kanilang papel sa, pag-uulat, pakikilahok at pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), sa pamamagitan ng sulong na teknolohiya.
Sa bisperas ng Ika-2 Belt and Road Forum on International Cooperation (BRF), idinaos sa Beijing nitong Lunes, Abril 22 ang nasabing porum na nasa pagtataguyod ng China Media Group (CMG). Lumahok dito ang mahigit 150 kinatawan ng mahigit 50 media organization mula sa 25 bansa't rehiyon. Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa inobasyong pangkomunikasyon at intergrasyon ng iba't ibang plataporma ng pamamahagi ng impormasyon, gamit ang sulong na teknolohiya, sa bagong panahon ng Internet.
Salin: Jade
Pulido: Mac