Sa Great Hall of People, nakipagtagpo nitong Biyernes, Abril 26, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei.
Binigyan-diin ni Xi na matagumpay ang pagdadalawan sa isa't isa ng Tsina at Brunei nitong 2 taong nakalipas. Itinaas aniya ang relasyon ng dalawang bansa sa estratehikong partnership na pangkooperasyon at isinakatuparan ang malaking pag-unlad. Dapat palakasin ang pag-uugnay ng magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road" Initiative (BRI) at Wawasan o Brunei Vision 2035, at isakatuparan ang mga pangunahing proyektong pangkooperasyon, dapat din aniyang dagdag ni Xi. Bukod dito, pasulungin ang magkakasamang pagtatatag ng BRI at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025 (MPAC 2025). Mahigpit na isulong ang kooperasyon ng dalawang bansa, at katigan ang multilateralismo.
Ipinahayag naman ni Hassanal na ang keynote speech na binigkas ni Pangulong Xi ay nakatulong sa pagpapasulong ng pag-unlad at kasaganaan ng buong daigdig. Nakahanda aniyang nagsikap ang Brunei, kasama ng Tsina, para palakasin ang magkakasamang pagtatatag ng BRI at Brunei Vision 2035, palawakin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan at pagpapalitang kultural. Nakahanda ang mga bansang ASEAN na magsikap, kasama ng Tsina, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea, diin ng sultan.
Salin:Sarah