|
||||||||
|
||
Gaganapin ang International Horticultural Exhibition 2019 Beijing China na may temang "Berdeng Pamumuhay at Magandang Lupang Tinubuan" na dinaluhan ng 86 na bansa at 24 na organisasyong pandaigdig. "Lucid waters and lush mountains are invaluable assets" ay ideyang pangkaunlaran na palagiang itinataguyod ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sa maraming okasyong pandaigdig, inilahad niya ang patakaran ng Tsina sa berdeng pag-unlad at pagpapauna ng ekolohiya. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para magkakasamang itayo ang "magandang lupang tinubuan ng mundo."
Narito ang mga pananalita ni Pangulong Xi Jinping tungkol sa magkakasamang pagtatayo ng "magandang lupang tinubuan ng mundo."
Una, dapat magkakasamang itayo ang magandang lupang tinubuan ng mundo na may magandang ekolohiya.
Ikalawa, ang maliwanag na tubig at malagong bundok ay pinakamahalagang ari-arian.
Ikatlo, dapat tahakin ang landas na may berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad.
Ika-apat, dapat buuin ang moderno at bagong kayariang maharmoniyang umuunlad ang sangkatauhan at kalikasan.
Ikalima, ang pagpapabuti ng kapaligiran ay pagpapasulong ng kakayahan ng produksyon.
Ika-anim, dapat itaguyod ang porma ng produksyon at pamumuhay na may berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad.
Ikapito, dapat magkakasamang itayo ang isang malinaw at magandang mundo.
Ikawalo, dapat magkakasamang pasulungin ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal sa buong daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |