Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina: Patuloy na pabubutihin ang kalidad ng hangin
(GMT+08:00) 2019-01-22 12:14:42 CRI
Ipinahayag Enero 21, 2019, sa isang news briefing dito sa Beijing ni Liu Bingjiang, Puno ng Departamento ng Kapaligiran ng Hangin ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na sa kabuuan bumuti ang kalidad ng hangin ng Tsina noong 2018, at sa 2019, patuloy na pasusulungin ang pagpapabuti ng kalidad ng hangin sa buong bansa.
Sinabi pa ni Liu na noong 2018, halos 80% ng mga araw ang karaniwang may magandang kalidad ng hangin sa 338 lunsod ng Tsina.