Idinaos mula noong ika-23 hanggang ika-24 ng Hunyo, 2018 ang Ika-20 Pulong ng mga Ministro ng Kapaligiran ng Tsina, Hapon at Timog Korea sa Suzhou, Tsina. Lumahok sa pulong ang mga delegasyon ng tatlong bansa na pinamumunuan ng mga Ministro ng Kapaligiran na sina Li Ganjie ng Tsina, Nakagawa Masaharu ng Hapon, at Kim Eun-kyung ng Timog Korea. Tinalakay nila ang hinggil sa pag-unlad at prospek ng kooperasyon ng 3 panig sa kapaligiran. Bukod dito, pinagtibay at nilagdaan din ang komong dokumento sa pag-asang na ibabahagi ang mga karanasan at bunga sa iba pang mga bansa para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng rehiyon.
Ipinahayag ni Li, na noong nakaraang taon, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga mahalagang hakbangin para sa pangangalaga ng kapaligirang ekolohikal. Bukod sa pagpapabuti ng kapaligiran sa loob ng bansa, aktibo rin aniyang lumahok ang Tsina sa pandaigdigang pagsasaayos ng kapaligiran.
Idinaraos ang nasabing pulong kada taon mula noong 1999 para malutas ang isyung komong kinakaharap ng iba't ibang bansa at mapasulong ang sustebleng pag-unlad ng rehiyon.
salin:Lele