Sa panayam kamakailan, binigyan ni Faisal Rashid, miyembro ng Parliamento ng Britanya, ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng Belt and Road Initiative (BRI).
Sinabi ni Rashid, na matagumpay ang katatapos na Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation. Ikinalulugod aniya niyang makita ang parami nang paraming kooperasyon sa ilalim ng BRI.
Sinabi rin ni Rashid, na bilang isang British-Pakistani, umaasa siyang sasamantalahin ang BRI para palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng Britanya, Tsina, at Pakistan. Magsisikap aniya siya para dagdagan ang pagkaunawa ng Parliamento ng Britanya sa BRI at China-Pakistan Economic Corridor.
Si Rashid ay Tagapangulo rin ng All Party Parliamentary Group of the Belt and Road Initiative and China Pakistan Economic Corridor, at miyembro ng Komisyon sa Kalakalang Pandaigdig ng Parliamento ng Britanya.
Salin: Liu Kai