Inihandog nitong Biyernes ng gabi, Abril 26, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ng kanyang asawang si Peng Liyuan ang bangketeng panalubong para sa mga panauhing kalahok sa Ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation.
Pagkatapos ng bangkete, isang palabas ang inihandog din ng mag-asawa para sa mga panauhin.
Aabot sa 5,000 panauhin mula sa iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig ang dumalo sa porum na idinaos mula Abril 25 hanggang Abril 27. Kabilang dito ay delegasyong Pilipino na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa tatlong araw na porum, tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapasulong ng konektibidad, paghahanap ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad, pagpapahigpit ng ugnayang pampatakaran, at pagpapasulong ng de-kalidad na Belt and Road Initiative (BRI). Iniharap ni Xi ang BRI para sa komong kasaganaan noong 2013.
Salin: Jade
Pulido: Rhio