|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Biyernes, Mayo 3, 2019, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na palalakasin ng kanyang bansa ang limitasyon sa mga aktibidad na nuklear ng Iran para ganap na alisin ang anumang posibilidad ng pagkakaroon ng Iran ng sandatang nuklear.
Ipinahayag ni Pompeo na dapat itigil ng Iran ang lahat ng aktibidad nito na may kinalaman sa pagpapalaganap ng nuklear.
Noong Mayo ng nagdaang taon, tumalikod ang Amerika sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. Noong Nobyembre ng nagdaang taon, napanumbalik ng Amerika ang mga sangsyon laban sa Iran na nakapagpalala sa maigting na relasyon ng dalawang bansa.
Noong katapusan ng nagdaang buwan, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran na kasalukuyang isinasaalang-alang ng kanyang bansa ang pagtalikod sa "Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT)" bilang tugon sa karagdagang sangsyon ng Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |