Isang linggo na ang nakaraan matapos buksan ang 2019 Beijing International Horticultural Exhibition (IHE). Sa katatapos na bakasyon ng International Labor Day, nakatanggap ng halos 340 libong person-time na turista ang nasabing eksibisyon. May tatlong espesyal na hardin sa loob ng eksibisyon na kinabibilangan ng "hardin ng daang gulay," "hardin ng daang prutas," at "hardin ng daang damo." Ito ang unang pagkakataong ipinakikita ng International Horticultural Exhibition ang horticulture sa porma ng espesyal na hardin.
Nasa dakong kanluran ng parke ng IHE ang hardin ng daang prutas na may saklaw ng 6.6 hektarya. Ito ang pinakamalawak na hardin sa IHE.
Salin: Li Feng