Nilagdaan kamakailan ni Li Keqiang, Premyer ng Tsina, ang atas ng Konseho ng Estado ng bansa na naglalabas sa Regulasyon ng Pamumuhunan ng Pamahalaan, at ito ay magiging epektibo mula unang araw ng Hulyo, 2019.
Ang nasabing regulasyon ay isang mahalagang reporma sa sistemang pinansyal ng Tsina. Inilakip ang nasabing regulasyon sa sistema ng batas, at ito ay angkop sa pangangailangan ng pagpapabuti ng pangangasiwa ng pamahalaan alinsunod sa batas.
Ang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagtatakda ng saklaw, pangunahing prinsipyo, at saligang kahilingan ng pamumuhunan ng pamahalaan, pagpapabuti ng proseso ng kapasiyahan at iba pa.
Salin:Lele