|
||||||||
|
||
Dubrovnik — Biyernes ng umaga, Abril 12 (local time), 2019, dumalo at bumigkas ng talumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-9 Porum na Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at mga Bansang Gitnang Silangang Europeo.
Ipinahayag ni Premyer Li na ang pagpapanatili ng kasiglahan ng "16+1 Cooperation" ay depende sa walang humpay na pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Sa kalagayan ng pagbagal ng paglaki ng kalakalang pandaigdig noong isang taon, lumaki ng 21% ang halagang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at 16 na bansang Gitnang Silangang Europeo na naging bagong rekord sa kasaysyaan. Aniya, noong isang taon, patuloy na sumulong ang konetibidad at imprastruktura, lumalim ang kooperasyong lokal, at humigpit ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig.
Isinalaysay din ng premyer Tsino ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Aniya, may kompiyansa ang Tsina sa pagsasakatuparan ng target ng paglaki ng 6% hanggang 6.5% ng kabuhayang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |