Nitong Biyernes, Abril 12 (local time), 2019, dumalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-8 Leaders' Meeting ng China at Central at Eastern European Countries (CEEC) sa Dubrovnik na dinaluhan ng mga lider ng 16 na bansang Gitna at Silangang Europeo. Tinanggap sa pulong ang pagsapi ng Greece sa "16+1 Cooperation" bilang pormal na miyembro.
Sa kanyang talumpati, lubos na pinapurihan ni Premyer Li ang natamong tagumpay ng "16+1 Cooperation" noong isang taon. Ipinahayag niya na ang matagumpay na biyahe kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa tatlong bansang Europeo, ay nakakapagpasigla sa pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Europa. Aniya, sa Ika-21 Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at Unyong Europeo (EU) na ginanap kamakailan, inilabas ng dalawang panig ang magkasanib na pahayag. Ang "16+1 Cooperation" ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Europeo, at nakakatulong ito sa pagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng Europa at pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo, ani Li.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na lider ng mga bansang Gitna at Silangang Europeo na sapul nang itatag ang mekanismo ng "16+1 Cooperation," malinaw ang mga natamong bunga ng pragmatikong kooperasyon sa pagitan ng mga bansang Gitna at Silangang Europeo at Tsina, walang humpay na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal, mabilis na lumalaki ang kalakalan at pamumuhunan, at walang humpay ding lumalalim ang kanilang kooperasyon sa mga larangang gaya ng edukasyon, turismo, at kultura. Ito anila ay hindi lamang nakakapagpasulong sa sariling paglaki ng kabuhayan ng nasabing mga bansa, kundi nakakapagpalalim pa sa komprehensibong relasyong Europeo-Sino.