Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nananatiling matapat sa talastasang pangkalakalan sa Amerika

(GMT+08:00) 2019-05-08 09:08:44       CRI

Ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananatili pa ring matapat ang kanyang bansa sa pakikipagtalastasang pangkalakalan sa Amerika.

Winika ito ni Geng sa regular na preskon nitong Martes, Mayo 7, kaugnay ng gagawing pagdalaw ng delegasyong Tsino sa Amerika para sa bagong round ng nasabing talastasan.

Ipinatalastas nang araw ring iyon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa paanyaya nina Robert Lighthizer, Kinatawang Pangkalakalan at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, dadalaw sa Washington D.C. si Liu He, Pangalawang Premyer at Punong Negosyador Tsino mula Mayo 9 hanggang Mayo 10 para sa bagong talastasang pangkalakalan ng dalawang bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>