|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na hindi nagbabago ang tunguhin ng pag-abante ng relasyong Sino-Amerikano. Dagdag pa niya, patuloy ang konsultasyong pangkalakalan ng magkabilang panig at inaasahan ng Tsina ang magandang resulta hinggil dito.
Winika ito ni Premyer Li sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan, pagkaraan ng pagpipinid ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |