Bubuksan sa ika-15 ng buwang ito sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC). Dadalo at magtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ito ay ayon sa ulat na inilabas ngayong araw, Huwebes, ika-9 ng Mayo 2019, ng State Council Information Office ng Tsina.
Bukod dito, dadalo rin sa pulong ang mga lider mula sa Kambodya, Singapore, Sri Lanka, Monggolia, Armenia, Greece, at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization. Magpapadala naman ng mga kinatawan ang 47 ibang mga bansang Asyano at mga bansa sa labas ng rehiyong ito.
Sa ilalim ng temang "exchanges and mutual learning among Asian civilizations and a community with a shared future," idaraos din sa sidelines ng naturang pulong, ang mga thematic forums, at mga aktibidad na gaya ng Asian Culture Carnival at Asian Civilization Week sa Beijing, at iba pang 3 lunsod na kinabibilangan ng Hangzhou, Guangzhou, at Chengdu.
Salin: Liu Kai