Ayon sa ulat, pinagtibay Lunes, Mayo 7, 2019 ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang isang panukalang batas na nag-uulit ng pangako ng bansa sa Taiwan. Posible namang pagtibayin ng Mataas na Kapulungan ang nasabing panukalang batas, upang pormal itong magkabisa.
Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang buong tatag na pagtutol ng panig Tsino; nagharap din ng solemnang representasyon ng Tsina sa Amerika. Ani Geng, ang kaukulang panukalang batas ay lubhang lumalabag sa simulaing "Isang Tsina" at mga alituntunin ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Ito aniya ay magaslaw na pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina.
Hinimok ni Geng ang panig Amerikano na hadlangan ang pagsusuri at pagpapasulong ng kongreso sa kaukulang panukalang batas, at maayos na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan, para maiwasan ang pagsira sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mahahalagang larangan, at kapayapaa't katatagan ng Taiwan Strait.
Salin: Vera