Binuksan ngayong umaga, Mayo 15, sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na may temang "Exchanges and Mutual Learning among Asian Civilizations and a Community With a Shared Future."
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas at bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga puno ng estado, puno ng pamahalaan, kinatawan, iskolar, kabataan, at panauhin mula sa 47 bansang Asyano na kinabibilangan ng Pilipinas, mga bansa sa labas ng Asya, at mga organisasyong pandaigdig.
Mahigit 110 aktibidad ang nakatakdang idaos sa panahon ng CDAC. Kabilang dito ay anim na sub-forum, Asian Cultural Gala, Asian Civilizations Week, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac