Inihandog kagabi, Mayo 14, 2019 dito sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bangketeng panalubong para sa mga panauhing dayuhang kalahok sa Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC).
Sa ngalan ng pamahalaan at mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang pagsalubong sa mga dumalong panauhing dayuhan. Muli rin niyang ipinaliwanag ang layunin ng CDAC, tulad ng pagsunod sa pangunahing tunguhin ng pag-unlad at kooperasyon ng Asya, pagtugon sa pag-asa ng pagpapalitan ng iba't ibang sibilisasyon ng mga mamamayan, at pagkakaroon ng plataporma ng pagpapalitan ng pag-aaral sa isa't isa.