|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong umaga, Mayo 15, sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na may temang "Exchanges and Mutual Learning among Asian Civilizations and a Community With a Shared Future."
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas at bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga puno ng estado, puno ng pamahalaan, kinatawan, iskolar, kabataan, at panauhin mula sa 47 bansang Asyano na kinabibilangan ng Pilipinas, mga bansa sa labas ng Asya, at mga organisasyong pandaigdig.
Sa kanyang talumpating pinamagatang "Palalimin ang Pagpapalitan at Pagtututo sa Isat-isa, at Magkakasamang Itatag ang Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan ng Asya," inilahad ni Xi na kailangang magkaroon ng diyalogo ang iba't ibang sibilisasyon para magkakasamang harapin ang mga komong hamon ng sangkatauhan. Ipinagdiinan din ni Xi ang kahalagahan ng paggalang sa pagkakaiba at pagtututo sa isa't isa ng mga sibilisasyon. Ang CDAC ay nagsisilbing bagong plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan hinggil dito, dagdag pa ni Xi.
Kaugnay ng kalinangan ng Tsina, sinabi ni Xi na ang Tsina ay hindi lamang tanging Tsina, miyembro rin ito ng Asya, at ng daigdig.
Diin ni Xi, ang sibilisasyong Tsino ay mahalagang bahagi ng kalinangang Asyano, at sa mula pa, walang humpay itong yumayabong sa pamamagitan ng pagpulot ng bungang pangkultura ng ibang bansa. Dagdag pa ni Xi, ang pakikipagkaibigan sa mga kapitbansa at mainam na pakikipamuhayan sa iba ay ang esensya ng pakikikipagpalitan ng sibilisasyong Tsino. Aniya, ang pagdudulot ng kapakinabangan at pagpapayaman ng mga mamamayan ay gabay at pundasyon ng sibilisasyong Tsino. Samantala, ang pagbabago aniya kasabay ng agos ng panahon at kaakibat ng pagkaugat sa esensya ng tradisyon ay diwa ng sibilisasyong Tsino, at ang may harmonyang pakikisalamuha sa kalikasan batay sa alituntunin ay pilosopiya ng pamumuhay ng sibilisasyong Tsino.
Nananalig din si Xi na sa hinaharap, makikisalamuha ang Tsina nang may mas bukas na palad at pakikitungo, at makakapagbibigay ng mas maraming ambag sa daigdig sa pamamagitan ng mas masiglang sibilisasyon.
Ang CDAC ay idinaraos sa mungkahi ni Pangulong Xi. Mahigit 110 aktibidad ang nakatakdang idaos sa panahon ng CDAC. Kabilang dito ay anim na sub-forum, Asian Cultural Gala, Asian Civilizations Week, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |