|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan Miyerkules, Mayo 15, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang sustenableng pag-unlad ng sibilisasyon ay nangangailangan ng pagtutugma ng panahon at tunguhin. Dapat aniyang pasiglahin ang pinagmumulan ng pagsulong ng sibilisasyon para walang humpay na makalikha ng kaakit-akit na bunga ng sibilisasyon.
Ani Xi, ang direktang porma ng pagpapasigla ng inobasyon ay pagpasok at pagramdam sa ibang sibilisasyon para makita ang bentahe ng iba. Tungkol dito, nakahanda aniya ang Tsina na magsagawa kasama ng iba't-ibang bansang Asyano, ng plano ng pagpapasulong ng turismo ng Asya para mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayang Asyano at mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Asyano.
Noong isang taon, lumampas sa 160 milyong person-time ang bilang ng mga biyahe ng mga mamamayang Tsino sa labas ng bansa. Mahigit 140 milyong person-time na turistang dayuhan naman ang tinanggap ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |