Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC) na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2019, sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagpapalitan at pag-aaral sa isa't isa ay susi sa pagpapanatili ng kasiglahan ng iba't ibang sibilisasyon. Aniya, babagsak ang isang saradong sibilisasyon.
Nanawagan din si Xi sa iba't ibang bansa na alisin ang mga hadlang sa pagpapalagayang pangkultura, at positibong pulutin ang kabutihan ng ibang mga sibilisasyon.
Salin: Liu Kai