Kinatagpo Mayo 14, 2019 ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Halimah Yacob, Pangulo ng Singapore na dumalo sa Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC).
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Singapore ay maituturing na pagkakataon ng pag-unlad sa isa't isa. Aniya, dapat panatilihin ang tradisyon ng pagpapalitan sa mataas na antas para magbigay ng estratehikong patnubay sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang kooperasyon sa Belt and Road Initiative ay pinakamalaking pagkakataon para sa pag-unlad ng relasyon ng magkabilang panig, at dapat hawak-kamay na lumikha ng magandang pamayanan ng Asya.
Ipinahayag ni Yacob na ang pagdaraos ng CDAC ay nasa angkop sa panahon. Ito ay makakatulong sa iba't ibang panig na isasaalang-alang ang hinggil sa komong interes ng buong daigdig, diin niya. Aniya, ang relasyon ng Singapore at Tsina ay umuunlad, at ang mga pangunahing proyektong pangkooperasyon ay naging modelo ng kooperasyon sa pagitan ng mga bansa.
Salin:Lele