Sa isang news briefing ng German Federal Network Agency nitong Huwebes, Mayo 16, 2019, sinabi ni Jochen Homann, Direktor ng naturang ahensiya, na tinututulan niya ang pagsasa-isang-tabi ng Huawei Technologies Co. Ltd, tech giant ng Tsina, sa konstruksyon ng 5G ng Alemanya. Diin niya, dapat sundin ng lahat ng mga bahay-kalakal ang mahigpit na kahilingan sa seguridad.
Dagdag pa ni Homann, hanggang sa kasalukuyan, walang natuklasan ang kanyang ahensiya hinggil sa di umano'y pagsasagawa ng Huawei ng "iligal na gawain" sa Alemanya.
Salin: Vera