Hiniling nitong Huwebes, Mayo 16 ng Tsina sa Amerika na itigil ang pagpapatupad ng executive order na nagbabawal ng paggamit ng mga kompanyang Amerikano ng kagamitang pantelekomunikasyong ginawa ng kompanyang Tsino na Huawei, at 70 sangay nito.
Sa regular na preskon, sinabi ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang nasabing executive order na Amerikano ay unilateral na sangsyong pangkalakalan.
Inilabas ng Tsina ang nasabing pahayag makaraang pirmahan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang executive order na nagpatalastas ng pambansang kagipitan at nagbabawal ng paggamit ng mga kompanyang Amerikano ng mga kagamitang ginawa ng mga kompanyang dayuhang nagdudulot ng "di-katanggap-tanggap na panganib sa pambansang seguridad."
Salin: Jade
Pulido: Mac