Sa artikulong sinulat kamakailan ni Nicholas Negroponte, MIT Media Lab founder, sinabi niya na dapat bumase ang telecommunication policy sa obdiyektibong pamantayan sa halip na isyung heopolitikal. Aniya, dapat tanggapin ng Amerika ang Huawei sa halip na ipagbawal ito para mapasulong ang lebel ng seguridad ng digital network at muling pag-unlad nito.
Sinabi rin niya na ang Huawei ay ika-5 pinakamalaking mamumuhunan sa pagsubok at pagyari ng buong daigdig. Mayroon itong magandang network security record nitong 30 taong nakalipas at mahigit 500 milyong kontentong kostumer sa daigdig. Aniya, wala pang nakikitang anumang security problem na may kaugnayan sa mga instalasyon ng Huawei, aniya.
Ani Negroponte, 10 taon na ang nakararaan, sinimulang pag-aralan ng Huawei ang 5G wireless technology. Hanggang sa ngayon, naglaan na ang Huawei ng mahigit 2 bilyong dolyares sa pag-aaral sa 5G technology. Sinabi ng BT, pinakamalaking telecom operator ng Britanya, na ang Huawei ay tanging tunay na kompanyang nagsusuplay ng 5G sa kasalukuyan.
Salin: Li Feng