Ipinahayag Mayo 19, 2019, ni Pan Gongsheng, Pangalawang Puno ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina at Puno ng Administration of Exchange Control, na may pundasyon, kompiyansa at kakayahan ang Tsina na pangalagaan ang matatag na pagtatakbo ng pamilihan ng foreign exchange. Bukod dito, napapanatili rin aniya ang palitan ng RMB sa isang maayos at balanseng lebel.
Sinabi niya, ang matatag na pagtakbo ng kabuhayan at pinansya ng Tsina ay nagbibigay ng malakas na pagkatig sa maayos at matatag na pamilihan ng foreign exchange at palitan ng RMB.
Salin:Lele