Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Linggo, ika-7 ng Abril 2019, ng State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, lumaki ng 8.6 bilyong Dolyares kumpara sa katapusan ng nagdaang Pebrero ang foreign reserve ng bansa noong katapusan ng nagdaang Marso. Ito ay tuluy-tuloy na paglaki ng foreign reserve ng Tsina nitong nakalipas na limang buwang singkad.
Sinabi ng tagapagsalita ng naturang administrasyon, na matatag at mainam ang takbo ng kabuhayang Tsino, at lumalakas ang pleksibilidad ng exchange rate ng RMB. Ang mga ito aniya ay makakabuti sa pagpapanatili ng katatagan ng halaga ng foreign reserve ng Tsina.
Salin: Liu Kai