|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Miyerkules, Mayo 22, 2019 ng Malacañang na dahil sa ginagawang delay ng Canada sa pagkuha ng kanilang basura, ipinasiya ng panig Pilipino na hanapin ang mga private shipping company upang ibalik sa Canada ang kanilang tone-toneladang basura na dumating sa Pilipinas noon pang 2013.
Sinabi nang araw ring iyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na labis ang pagkadismaya at galit ni Pangulong Duterte sa pagpapaliban ng Canada sa pagkuha ng kanilang basura. Aniya, ipinalalagay ng panig Pilipino na ito ay nagpapakitang sa isyu ng paghawak sa mga basura at isyu ng relasyon sa Pilipinas, hindi isinasagawa ng pamahalaan ng Canada ang solemnang atityud.
Sinabi niya na iniutos na ni Pangulong Duterte ang paghahanap ng mga private ships na magdadala ng mga basura sa loob ng teritoryo ng Canada, at sasagutin ng pamahalaang Pilipino ang gagastusin sa nasabing shipment. Kung hindi tatanggapin ng Canada ang mga ibabalik na basura, iiwan ang mga ito sa kanilang karagatan o 12 nautical miles mula sa baseline ng alinman sa kanilang baybayin, dagdag pa ni Panelo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |