|
||||||||
|
||
Inihayag nitong Huwebes, Oktubre 20, 2016, ni John Kirby, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, na winiwelkam ng kanyang bansa ang pagtatatag ng mahigpit na relasyon ng Tsina at Pilipinas. Kinakatigan aniya ng Amerika ang paglutas ng naturang dalawang bansa sa isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng diyalogo.
Dagdag ni Kirby, ang pagtatatag ng mahigpit na relasyon ng Tsina at Pilipinas ay nakakabuti sa katatagan ng buong rehiyong Asya-Pasipiko.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, ipinahayag ng Amerika na bibiyahe sa Pilipinas si Daniel Russel, Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs mula ika-22 hanggang ika-25 ng kasalukuyang buwan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |