Sinabi nitong Lunes, Agosto 29, 2016, ni Benjamin Rhodes, Deputy National Security Advisor ng Estados Unidos, na sa kanyang gagawing pakikipagtagpo kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas sa Setyembre 6, tatalakayin nila ni Pangulong Barack Obama ang tungkol sa "isyu ng karapatang pantao ng Pilipinas."
Sinabi rin niya na inaasahang ihaharap ni Pangulong Obama ang pagkabahala tungkol sa ilang posisyong ginawa kamakailan ni Pangulong Duterte. Nakatakdang mag-usap ang naturang dalawang lider sa ASEAN Summit at serye ng pulong ng mga lider na gaganapin sa Laos.
Salin: Li Feng