|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Mayo 25, 2019, pormal at muling hinirang ni Pangulong Ram Nath Kovind ng India si Narendra Modi bilang bagong Punong Ministro ng bansa. Hinihiling din niya kay Modi na i-nominate ang mga miyembro ng gabinete ng bagong pederal na pamahalaan.
Sa bukas na talumpati, kinumpirma ni Modi ang pagsisimula ng kanyang ikalawang termino bilang PM. Puspusan aniyang magsisikap ang bagong pamahalaan para maisakatuparan ang pangarap ng lahat ng mga mamamayan.
Nitong Biyernes, Mayo 24, lumabas ang resulta ng halalan ng mababang kapulungan ng India. Nakuha ng Bhartiya Janta Party (BJP) ang 303 luklukan, ito ang nagwagi sa halalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |