Ipinadala ngayong araw, Martes, ika-28 ng Mayo 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa 2019 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), na binuksan sa araw na ito sa Beijing.
Sinabi ni Xi, na ang kalakalang panserbisyo ay naging mahalagang bahagi ng pandaigdig na kalakalan at kooperasyong pangkalakalan ng iba't ibang bansa. Nagbigay din ito aniya ng bagong lakas sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Binigyang-diin ni Xi, na pinasusulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas, kinakatigan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, pinalalawak ang pagpasok ng puhunang dayuhan sa pamilihang Tsino, at nililikha ang mas mabuting kapaligirang pangnegosyo. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba' t ibang bansa, na palalimin ang kooperasyon sa kalakalang panserbisyo, palakasin ang malaya at maginhawang kalakalan, at pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan tungo sa direksyong mas bukas, inklusibo, balanse, may panlahat na benepisyo at win-win result. Umaasa rin aniya siyang mararating sa kasalukuyang perya ang bunga sa pagpapalakas ng kalakalang panserbisyo sa buong daigdig at pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai