Isinapubliko Martes, Mayo 28, 2019 ng US Treasury Department ang "Report to International Economic and Exchange Rate Policies" kung saan nakasaad na hindi kinokontrol ng Tsina ang exchange rate upang makuha ang bentaheng pangkalakalan.
Kaugnay nito, tinukoy Miyerkules, Mayo 29, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang konklusyong ito ay angkop sa pundamental na kaalaman at pagkakasundo ng komunidad ng daigdig. Aniya, iminumungkahi ng panig Tsino sa panig Amerikano na kumilos alinsunod sa regulasyong pandaigdig, igalang ang regulasyong pampamilihan, at huwag i-pulitika ang isyu ng exchange rate.
Salin: Li Feng