Ayon sa Summit ng Pag-unlad ng Industriya at Pamumuhunan ng 5G ng lunsod Beijing na ginanap nitong Miyerkules, Mayo 29, 2019, mula taong 2020 hanggang 2025, pasisiglahin ng 5G technology ang paglaki ng digital economy ng Tsina at ito'y inaasahang aabot sa 15.2 trilyong Yuan.
Napag-alamang sa kasalukuyan, ginagamit ng maraming lugar ng Tsina ang pagkakataong dulot ng 5G para mapasulong ang digital economy. Ipinahayag ng Beijing na ang mga high-tech industry na gaya ng 5G ay nukleong bahagi ng pag-unlad ng industriya nito. Pasusulungin anito ang konstruksyon ng ilang proyekto ng industriya na tulad ng 5G telecommunication equipment, at intelligent operating system.
Salin: Li Feng