Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

5G+4K Communication, tampok sa Belt and Road Innovation Forum

(GMT+08:00) 2019-04-23 08:21:25       CRI

Sa bisperas ng Ika-2 Belt and Road Forum on International Cooperation (BRF), idinaos sa Beijing nitong Lunes, Abril 22 ng Belt and Road Innovation Forum on 5G+4K Communication. Lumahok dito ang mahigit 150 kinatawan ng mahigit 50 media organization mula sa 25 bansa't rehiyon. Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa inobasyong pangkomunikasyon at intergrasyon ng iba't ibang plataporma ng pamamahagi ng impormasyon, gamit ang sulong na teknolohiya, sa bagong panahon ng Internet.

Sa porum, pinasinayaan din ang dokumentaryo ng gaganaping BRF na may temang "Pinagbabahaginang Kinabukasan."

Sa kanyang talumpati sa porum, isinalaysay ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), ang hinggil sa ginagawang pagsisikap ng CMG para mapasulong ang integrasyon, gamit ang sulong na teknolohiya na kinabibilangan ng 5G, 4K, at artificial intelligence (AI). Ipinahayag din ni Shen ang kahandaan ng CMG na pahigpitin ang pakikipagpapalitan at pakikipagtulungan sa mga media counterpart sa larangan ng teknolohiya, nilalaman at new media, sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

Si Shen Haixiong

Kabilang sa ibang mga kalahok na panauhin ay sina Wang Xiaohui, Pangalawang Ministrong Tagapagpaganap ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); Oleg Dobrodeyev, General Director ng All-Russian State Television and Radio Broadcasting Company; Min Min, Managing Director of Shwe Than Lwin Media Co.,Ltd ng Myanmar; Javier Alvarez, CEO Integra Cultural Industries ng Argentina; Fumihiko Sudo, Punong Inheniyero ng Sony Imaging Products & Solutions Inc.; Pavel Negoitsa, General Director ng Rossiyskaya Gazeta ng Rusya; Michael Radtke, Managing Director ng TV Alliance Group ng Alemanya; Luvsandash Ninjjamts, General Director ng Mongolian National Broadcaster; Aliya Babayeva, Director ng Channel Seven Kazakhstan; Hu Yu, Tagapagpaganap na Presidente ng iFlytek Co.,Ltd ng Tsina; Luo Zhenhua, Presidente ng DJI-Innovations Company ng Tsina, at iba pa.

Wang Xiaohui

Si Hu Yu

Si Luo Zhenhua

Si Aliya Babayeva 

Si Min Min

Si Oleg Dobrodeyev

Si Javier Alvarez

Si Fumihiko Sudo

Si Pavel Negoitsa

Si Michael Radtke 

Si Luvsandash Ninjjamts

Sa panahon ng porum, idinaos din ang eksibisyon hinggil sa mga applied technology ng 5G at 4K sa inobasyong pangkomunikasyon.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>