Sa Istana, umaga ng ika-30 ng Mayo, nagtagpo sina Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, at Wei Fenghe, State Councilor at Defence Minister ng Tsina.
Sinabi ni Lee, na pinahahalagahan ng pamahalaang Singapore ang relasyon ng Singapore at Tsina. Madalas aniyang nagtatagpo ang mga opisyal ng pamahalaan ng dalawang bansa nitong nakaraang mga taon. Isinulong nito aniya ang pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang panig at nagtagumpay ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, tulad ng larangang militar. Aniya pa, isinulong ng Belt and Road Initiative(BRI) ang ungayan ng dalawang bansa at pagpapaunlad ng ekonomiya. Pakikinabangan aniya ng buong daigdig ang pag-unlad ng Tsina. Sa kasalukuyang kalagayan, dapat aniyang palakasin ang pakikipag-ugnayan ng mga bansa, palalimin ang pagkaunawa sa isa't isa at makamit ang magkakasabay na pag-unlad.
Sinabi ni Wei, na sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Lee ng Singapore, bumati ang relasyon ng Tsina at Singapore at nagtampok ng pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Ipapatupad aniya ng hukbong sandatahan ng Tsina kasama ng militar ng Singapore ang napagkasunduan ng mga pinuno ng dalawang bansa, pasusulungin ang pagtiwalaan sa isa't isa, isusulong ang pagtutulungan at magbibigay ng ambag sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Singapore at pagpapanatili ng kapayapaan ng rehiyon.
Hapon ng ika-29 ng Mayo, nagtagpo naman sina Wei Fenghe at Ng Eng Hen, Defence Minister ng Singapore.
Salin: Sylvia