Kahapon, opisyal na naisaoperasyon ng EE Limited ng Britanya ang 5G service sa 6 na pangunahing lunsod ng Britanya na kinabibilangan ng London, Cardiff, Edinburgh, Belfast, Birmingham at Manchester. Maaari na ngayon gamitin ng subscribers ang napakabilis na bagong mobile telecommunications.
Ipinahayag ng Huawei Technologies Co.Ltd na bilang isa sa mga cooperative partners, napakasaya ng Huawei na suportahan ang pagpapasulong ng EE Limited sa pagtatatag ng 5G network para isakatuparan ang mas mabilis at mas matatag na mobile telecommunications.
Ayon sa target na itinatakda ng pamahalaan ng Britaniya, hanggang taong 2027, matatapos ang pagtatatag ng 5G network sa karamihang lugar ng Britaniya. Bukod dito, buong lakas na pinapasulong ng Britanya ang paggagamit ng 5G technology sa mga larangang tulad ng unmanned cars, telemedicine at iba pa.
Salin:Sarah