|
||||||||
|
||
Ayon sa white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na inilabas Linggo, Hunyo 2, 2019, ipinagdiinan nito na sa mga isyung may kaugnayan sa mahalagang prinsipyo, hinding hindi yuyukod ang Tsina. Umaasa anito ang panig Tsino na malulutas ang isyu sa pamamagitan ng diyalogo sa halip ng tariff measure.
Diin nito, imposibleng malutas ng isang kasunduan lamang ang lahat ng problema. Ngunit dapat tugunan nang sabay ng kasunduan ang pangangailangan ng kapwa panig, at dapat ding isakatuparan ang pagkabalanse ng kasunduan.
Anito pa, para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika, at buong daigdig, rasyonal na pakikitunguhan ng Tsina ang tariff hike ng Amerika. Ngunit hindi natatakot ang Tsina sa anumang presyur, at handa na ito para harapin ang anumang hamon, dagdag ng dokumento.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |