Ayon sa white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na inilabas Linggo, Hunyo 2, 2019, sinabi nito na ang isinasagawang serye ng trade protection measure ng Amerika, ay lumalabag sa regulasyon ng World Trade Organization (WTO), nakakapinsala sa sistema ng multilateral na kalakalan, grabeng nakakaapekto sa global industry at supply chain, nakakasira sa kompiyansa sa pamilihan, at nagdudulot ng grabeng hamon sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Anang white paper, sa katwirang umano'y "national security," pinalala kamakailan ng Amerika ang mga tariff hike measure sa Tsina. Ito ay ibayo pang makakapinsala sa kapakanan ng iba't-ibang panig, at buong tatag itong tinututulan ng panig Tsino.
Salin: Li Feng