Sa white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na inilabas Linggo, Hunyo 2, 2019, tinukoy nito na ang pagdaragdag ng taripa ng pamahalaang Amerikano sa mga inaangkat na produtong Tsino, ay nakakahadlang sa bilateral na kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan. Anito pa, ito ay nakakaapekto sa kompiyansa sa pamilihan at matatag na operasyon ng ekonomiya sa dalawang bansa at buong mundo.
Ayon sa white paper, hanggang noong nagdaang Abril, bumaba ang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa Amerika nitong nagdaang limang buwang singkad, at bumaba naman ang halaga ng pagluluwas ng Amerika sa Tsina nitong nagdaang walong buwang singkad. Kaugnay nito, ibinaba ng World Trade Organization (WTO) ang bahagdan ng paglaki ng kalakalang pandaigdig sa 2.6% mula 3.7% sa taong 2019.
Salin: Li Feng