|
||||||||
|
||
Isinapubliko nitong Huwebes, Hunyo 6, 2019 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang "Ulat ng Pag-aaral sa Kalagayan ng Pakinabang ng Amerika sa Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika." Sa pamamagitan ng eksaktong pagbilang at pag-analisa at detalyadong datos, ibinunyag nito sa labas ang esensya at dahilan ng trade deficit ng Tsina at Amerika, at ang nakuhang napakalaking benepisyo ng panig Amerikano sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Pinatunayan din nito na sa bilateral na kalakalang Sino-Amerikano, ang trade surplus ay nasa Tsina, pero ang benepisyo at kapakanan ay nabibilang sa kapwa panig. Kaya walang anumang batayan ang pananalitang umano'y "pagkapinsala ng Amerika sa pakikipagkalakalan nito sa Tsina."
Makaraang ilabas Hunyo 2 ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Ameirka," ito ang isang ulat ng pag-aaral sa isyu ng trade deficit ng Tsina at Amerika. Ginawa ng ulat ang ibayo pang paglahad sa posisyon at opinyon ng panig Tsino sa white paper na nakakatulong sa mas malalim na pagka-alam ng komunidad ng daigdig sa katotohanan ng trade deficit ng dalawang bansa.
Ang pangunahing katwiran ng pagdaragdag ng taripa ng Amerika ay pagkakaroon ng mahigit 500 bilyong dolyares na trade deficit sa Tsina, "napipinsala" dito ng Amerika, at "nagbebenepisyo" naman ang Tsina. Ngunit sa pamamagitan ng eksaktong pag-analisa, tinukoy ng nasabing ulat na noong isang taon, halos 153.6 bilyong dolyares ang totoong trade deficit ng Amerika sa Tsina, na katumbas ng 37% lamang ng trade deficit volume na inilabas ng panig Amerikano.
Samantala, ginawa ng ulat ang malalim at propesyonal na pag-analisa sa sanhi ng pagkakaroon ng depisito. Anang ulat, ang trade deficit ng Amerika sa Tsina ay resulta ng papel ng pamilihan, at naaapektuhan din ito ng maraming obdiyektibong elementong gaya ng kakayahang kompetitibo ng industriya ng dalawang bansa, estrukturang pangkabuhayan, patakarang pangkalakalan, currency position ng dolyares, at iba pa. Magkatulad ang konklusyong ito sa resulta ng pag-analisa na ginawa ng maraming dalubhasang Tsino at dayuhan. Tulad ng sinabi ni Stephen Roach, mataas na mananaliksik ng Yale University, sa kasalukuyan, umiiral ang trade deficit ng Amerika sa mahigit 100 bansa. Aniya, ang pagpupuna ng mga politikong Amerikano sa Tsina sa trade deficit issue ay isang kagawiang ipinapasa ang responsibilidad sa iba.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |