|
||||||||
|
||
Si Sergio Ley, Pangalawang Presidente ng Mexican Business Council for Foreign Trade at dating embahador ng Mexico sa Tsina
Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Sergio Ley, Pangalawang Presidente ng Mexican Business Council for Foreign Trade at dating embahador ng Mexico sa Tsina, na napakaliwanag at napaka-angkop ng posisyon ng panig Tsino na inihalad sa white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino Tungkol sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika." Aniya, ang malakas na puwersang pang-estado ng Tsina ay "kompiyansa" na hindi nito natatakot sa trade war na unilateral na inilunsad ng Amerika.
Kaugnay ng paggamit ng Amerika ng taripa bilang armas sa mga bansang tulad ng Tsina at Mexico at unilateral na pagsasagawa nito ng mga sanction measures, ipinahayag ni Sergio Ley na nagiging isang grabeng kamalian ang walang tigil na paggawa ng probokasyon sa iba't-ibang bansa. Ito aniya ay nakakasira sa kalakalang pandaigdig at posibleng magbubunsod ng economic recession sa buong mundo, sa halip na lumutas ng anumang problema.
Dagdag pa niya, mataimtim niyang binasa ang kaukulang ulat hinggil sa nasabing white paper. Ipinalalagay niyang angkop at patas ang posisyon ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |