|
||||||||
|
||
Isinapubliko nitong Huwebes, Hunyo 6, 2019 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang "Ulat ng Pag-aaral sa Kalagayan ng Pakinabang ng Amerika sa Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" kung saan inilahad ang aktuwal na benepisyo na hatid ng nasabing kooperasyon sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at pagkakaroon ng Amerika ng napakalaking benepisyo mula rito.
Sa regular na preskon nang araw ring iyon, ipinahayag ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang nasabing ulat ay nakakatulong sa pagka-alam ng mga tao sa aktuwal na kalagayan ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Aniya, sa bilateral na kalakalan, ang trade surplus ay nasa Tsina, ngunit nakikinabang ang kapwa panig sa kooperasyon.
Dagdag niya, nitong 40 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, natamo ng bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa ang napakalaking pag-unlad. Ito aniya ay bunga ng pagtalima ng dalawang bansa sa tunguhing historikal, aktibong pakikilahok sa globalisasyong pangkabuhayan, at pagpapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |