Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ambassador Jose Santiago Sta. Romana: Taglay ng mga lutuin ang kwento ng kalinangan

(GMT+08:00) 2019-06-07 14:19:06       CRI

Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana

Sa kanyang pahayag sa opening ceremony ng Philippine Food Festival na ginanap Hunyo 6, 2019 sa Makan Kitchen ng Hilton Beijing, sinabi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana na taglay ng mga lutuin ang kwento ng kalinangan. Ikinalulugod niyang ibahagi ang kwento ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkain.

Aniya ang adobo ay salamin ng kakayahang bumangon sa harap ng kahirapan. Sa kasaysayan, nasaksihan ng mga Pilipino ang kolonyalismo,digmaan at kalamidad, ngunit nananatili sa mga tao ang kawalang takot at hindi madaling nasisiraan ng loob. Ang halo-halo na mayaman ay tulad naman ng pinagsama-samang mga kultura ng bansa na humahabi sa pamanang lahi at pambansang identidad.

Saad pa ng sugong Pilipino, ang natatanging linamnam ng pagkaing Pinoy ay dala ng pinagsama-samang lasa mula sa impluwensiya ng iba't ibang mga kultura. Ito ang kwento sa likod ng kaisipang bukas, mainit na pagtanggap at positibong disposisyon na napapaloob sa indipendiyenteng patakarang panlabas ng Pilipinas.

Hangad niyang sa pamamagitan ng mabuting pakikitungo at diwa ng pagkakaibigan ay mas maging mahigpit ang ugnayan sa mga kaibigang Tsino at dayuhan.

Magsisimula ngayong araw Hunyo 7, 2019 ang Philippine Food Festival sa Makan Kitchen ng Hilton Beijing at bukas ito hanggang Hunyo 15. Tatlong Pilipino Chefs na mula sa Conrad Manila ang kasalukuyang nasa Beijing upang itampok ang natatanging mga putahe at panghimagas na Pinoy.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
Web Editor: Li Feng 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>