Si Bienvenido Nebres, dating Presidente ng Ateneo de Manila University
Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative, nagkaroon ang Tsina at Pilipinas ng mabungang kooperasyon. Sa katatapos na Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, muling idinaos ng mga lider ng dalawang bansa ang bilateral na pag-uusap at lumagda sa maraming bilateral na kasunduang pangkooperasyong kinabibilangan ng kooperasyong pang-edukasyon. Para mapasulong ang paguunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, partikular na mapalalim ang pagkakaibigan ng mga kabataang Tsino at Pilipino, ipinahayag ni Bienvenido Nebres, dating Presidente ng Ateneo de Manila University, na mapapatingkad ng BRI ang mahalagang papel sa usaping ito.
Ipinalalagay niya na ang pagpapalakas ng pagpapalagayan ng mga kabataan ay mabisang nakakapagpasulong sa paguunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Hinihikayat niya ang mga kabataan ng dalawang bansa na makipagkaibigan sa isa't-isa, at maunawa sa ibang bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang sariling karanasan.
Salin: Li Feng