|
||||||||
|
||
Magsisimula ngayong araw Hunyo 7, 2019 ang Philippine Food Festival sa Makan Kitchen ng Hilton Beijing.
Tatlong Pilipino Chefs na mula sa Conrad Manila ang kasalukuyang nasa Beijing upang itampok ang natatanging mga putahe at panghimagas na Pinoy. Ito ang unang dalaw nila sa Beijing at una ring paglahok sa Pinoy food fest sa ibang bansa.
Sina Joseph Ledesma (kaliwa), Armando Marca IV (gitna), at Aaron Valeroso (kanan)
Sa ekslusibong interview ng CRI Filipino Service, sinabi ni Armando Marca IV, noong isang buwan lang nila nalaman ang byahe sa Beijing. Nang ibalita ito sa kanya ng Executive Chef ng Conrad Manila tiningnan niya ito bilang isang challenge, isang hamon dahil sa bansang Tsina hindi kilala ang pagkaing Pinoy. Si Armand ang nakatoka sa hot kitchen kung saan ihahanda ang mga ulam na gaya ng Calderetta, Kare-Kare, Adobo at lutuing may gata. May 20 taong karanasan na si Armand sa kusina, malayo na ang nararating ng dating gustong maging sundalo pero nahanap ang tunay na hilig sa pagluluto.
Samantala, ang cold section ng buffet ay nakaatas naman kay Aaron Valeroso. Sa dalawang taong karanasan bilang chef nakatutok siya sa western food at walang gaanong alam hinggil sa lutuing Pinoy. Nagpapasalamat siya sa oportunidad na ito at sa tinanggap na training. Aniya," You're not a Filipino if you don't know how to cook Filipino food." Nagtanong din siya sa mga nakatatanda sa kanyang pamilya hinggil sa mga traditional recipes ng Pilipinas at ang resulta ay matitikman sa kanyang bersyon ng kinilaw, kwek-kwek, ensaladang talong at marami pang iba.
Si Joseph Ledesma naman ang eksperto sa panghimagas. Ipapatikim niya sa mga Tsino at dayuhan ang likhang "magic ng Pinoy pastry". Ayon sa graduate ng Lyceum of the Philippines Manila, naenganyo siya sa kakaibang nangyayari sa (paggawa ng) desserts at sa pamamagitan nito napapagana ang sariling artistic side. Kabilang sa ibibida niya sa Philippine Food Festival ang fruit salad, puto, turon at halo-halo.
Umaasa ang tatlong dumadalaw ng chefs na maa-appreciate ng mga bisita ang kanilang efforts, magiging proud ang mga Pinoy sa pagpapakilala ng sariling mga lutuin at higit sa lahat ay mag-eenjoy ang lahat sa kanilang pagsasalu-salo.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
Web Editor: Li Feng
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |