St. Petersburg — Pinasinayaan nitong Huwebes, Hunyo 6, 2019, ang paglulunsad ng serye programang pinamagatang "Mga Klasikong Sinipi ni Xi" para sa mga tagapakinig na Ruso. Dumalo sa aktibidad sina Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Puno ng China Media Group (CMG), Sergey Glaziev, Tagapayong Ekonomiko ng Pangulong Ruso, at mahigit isang daang personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Moscow at St. Petersburg.
Nang sagutin ang tanong ng tagapakinig mula sa St. Petersburg, ipinahayag ni Shen na ang magkasamang paglagda nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Vladimir Putin sa "Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Rusya Tungkol sa Pagpapaunlad ng Komprehensibo't Estratehikong Partnership sa Bagong Siglo" ay sumasagisag ng pagtaas ng kalidad at pag-a-upgrade ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, sa kasalukuyang masalimuot na situwasyong pandaigdig, batay sa bagong historical starting point ng relasyon ng dalawang bansa, dapat isabalikat ng mga mediang Tsino at Ruso ang mas malaking responsibilidad upang mapasulong ang pag-unlad ng lipunan, kabuhayan, at kultura.
Ani Shen, ang pagsasahimpapawid ng program na "Mga Klasikong Sinipi ni Xi" sa wikang Ruso ay nakakuha ng malawakang papuri ng mga tagapakinig na Ruso. Ito ay lubos na nagpapakitang nagkakaroon ng napakalaking potensyal ang kooperasyon ng mga media ng dalawang bansa, dagdag niya.
Salin: Li Feng